Isaiah 58:4
Pagmasdan ninyo, kayo ay nag-aayuno para makipag-away at makipag-laban, at para sumuntok sa pamamagitan ng inyong kamaong makasalanan; hindi kayo nag-aayuno ngayon para marinig ang inyong tinig sa kaitaasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 21:27Ang alay ng masamang tao ay kasuklam-suklam; ito ay mas kasuklam-suklam pa kapag dinala niya ito ng may masasamang motibo.
Isaiah 59:6Ang kanilang mga sapot ay hindi maaaring magamit para sa mga kasuotan, ni maaaring takpan nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga gawain. Ang kanilang mga gawa ay mga gawa ng kasalanan, at ang mga gawain ng karahasan ay nasa kanilang mga kamay.
Jonah 3:7Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, “Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig.
Matthew 23:13Ngunit aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sinarhan ninyo ang kaharian ng langit sa mga tao. Kayo nga mismo ay hindi pumapasok at hindi rin ninyo pinayagan yung ibang papasok pa lamang.
John 18:28Pagkatapos ay dinala nila si Jesus mula kay Caifas patungo sa Pretorio. Umagang-umaga pa noon at sila mismo ay hindi pumasok sa Pretorio upang hindi sila marumihan at upang sila ay makakain sa Paskwa.
Philippians 1:14At nahimok ang halos lahat ng mga kapatid sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo na maglakas-loob na ipahayag ang salita nang walang takot.