Isaias 58:9
Pagkatapos kayo ay tatawag, at si Yahweh ay sasagot; kayo ay tatangis para tulungan, at kaniyang sasabihin, “Naririto ako.” Kung aalisin ninyo mula sa inyong mga sarili ang pamatok, ang nagpaparatang na daliri, at ang pananalita ng kasamaan,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 27:18Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, “Ama ko.” Sinabi niya, “Narito ako; sino ka, anak ko?”
1 Samuel 3:4Tumawag si Yahweh kay Samuel, na nagsabing, “Narito ako.”
Psalms 12:2Ang lahat ay nagsasabi ng walang kabuluhang mga salita sa kaniyang kapwa; ang lahat ay nagsasalita ng hindi matapat na papuri at may salawahang puso.
Psalms 37:4Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
Psalms 66:18Kung alam kong may kasalanan sa aking puso, hindi makikinig ang Diyos sa akin.
Psalms 118:5Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako.