Isaias 60:17
Sa halip na tanso, ako ay magdadala ng ginto, sa halip na bakal ako ay magdadala ng pilak; sa halip na kahoy, tanso, at sa halip na mga bato, bakal. Maghihirang ako ng kapayapaan bilang inyong mga gobernador, at katarungan sa inyong mga namumuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 10:21Lahat ng iniinumang tasa ni Haring Solomon ay ginto, at lahat ng mga iniinumang tasa sa Palasyo ng Kagubatan ng Lebanon ay purong ginto. Walang pilak, dahil ang pilak ay hindi itinuturing na mahalaga noong panahon ni Solomon.
Isaiah 1:26Ibabalik ko ang mga hukom ninyo gaya noon, at ang mga taga-payo ninyo gaya noong simula; matapos nito, tatawagin kayong lungsod ng katuwiran, isang tapat na bayan.
Isaiah 32:1Pagmasdan mo, isang hari ang maghahari sa katuwiran, at mga prinsipe ang mamumuno sa katarungan.
Zechariah 12:8Sa araw na iyon si Yahweh ang magiging taga-pagtanggol ng mga naninirahan sa Jerusalem, at sa araw na iyon ang mga mahihina sa kanila ay magiging tulad ni David, habang ang sambahayan ni David ay magiging tulad ng Diyos, tulad ng anghel ni Yahweh sa harapan nila.
2 Peter 3:13Ngunit ayon sa kaniyang pangako, ating hintayin ang bagong mga langit at ang bagong lupa, kung saan ang mga katuwiran ay mananahan.