Isaiah 61:1
Ang Espiritu ng Panginoong Yahweh ay sumasaakin, dahil hinirang ako ni Yahweh para ipahayag ang mabuting balita sa mapagpakumbaba. Sinugo niya ako para pagalingin ang sugatang-puso, para ipahayag ang kalayaan sa mga nakabilanggo, at ang pagbubukas ng bilangguan sa mga nakagapos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:7Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.
Psalms 2:6“Ako mismo ang naghirang sa aking hari sa Sion, ang aking banal na bundok.”
Psalms 25:9Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba na may katarungan at itinuturo niya ang kanyang daan sa mga mapagpakumbaba.
Psalms 45:7Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
Psalms 68:7O Diyos, nang lumabas ka sa harap ng iyong bayan, nang lumakad ka sa ilang,
Psalms 102:20para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan.