Isaiah 61:3
para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 8:15Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa.
Psalms 23:5Ipinaghahanda mo ako ng isang hapag sa harapan ng aking mga kaaway; binuhusan mo ng langis ang aking ulo; ang saro ko ay nag-uumapaw.
Psalms 30:12Kaya ngayon ang naparangalan kong puso ay aawit nang papuri sa iyo at hindi mananahimik; Yahweh aking Diyos, magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo magpakailanman!
Psalms 92:12Ang mga matutuwid ay yayabong katulad ng puno ng palma; ito ay lalago katulad ng isang sedar sa Lebanon.
Ecclesiastes 9:8Lagi mong panatilihing puti ang iyong mga damit at ang iyong ulo ay pinahiran ng langis.
Isaiah 60:20Ang inyong araw ay hindi na kailanman lulubog, ni ang inyong buwan ay lulubog at mawawala; dahil si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang mga araw ng inyong pagluluksa ay matatapos na.