Isaiah 63:10
Pero sila ay nagrebelde at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu. Kaya siya ay naging kaaway nila at nakipaglaban sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:24Kaya nagreklamo ang mga tao kay Moises at sinabing, “Ano ang aming iinumin?.”
Exodus 23:21Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
Leviticus 26:17Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
Numbers 16:1Ngayon si Korah na anak na lalaki ni Izar na anak na lalaki ni Kohat na anak na lalaki ni Levi, kasama ni Datan at Abiram na mga anak na lalaki ni Eliab, at si On na anak na lalaki ni Pelet, ang mga kaapu-apuan ni Ruben ay tinipon ng ilang kalalakihan.
Deuteronomy 9:7Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.
Deuteronomy 28:15Pero kung hindi kayo makikinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos, at sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan at kaniyang mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon, darating ang mga sumpang ito sa inyo at matatabunan kayo.