Isaiah 63:12
Nasaan ang Diyos, na naglagay ng kanyang dakilang kapangyarihan sa kanang kamay ni Moises, at hinawi ang tubig ng dagat sa kanilang harapan para gumawa ng walang hanggang pangalan para sa kanyang sarili?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:16Itaas mo ang iyong tungkod, iunat mo sa pamamagitan ng iyong kamay sa ibabaw ng dagat at hatiin mo ito sa dalawa, para ang bayan ng Israel ay makarating sa dagat sa tuyong lupa.
Exodus 15:6Ang iyong kanang kamay, Yahweh, ay maluwalhati sa kapangyarihan; ang iyong kanang kamay, Yahweh, ang dumurog sa mga kaaway.
Exodus 15:16Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
1 Kings 8:42sapagkat maririnig nila ang iyong dakilang pangalan, ang iyong makapangyarihang kamay, at iyong nakataas na kamay — kapag siya ay dumating at nanalangin sa templong ito,
Nehemiah 9:11At hinati mo ang dagat sa kanilang harapan, kaya dumaan sila sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at tinapon ang mga humabol sa kanila papunta sa mga kailaliman, gaya ng isang bato sa malalim na katubigan.
Psalms 80:1Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin!