Isaiah 65:7
sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno,” sinabi ni Yahweh. “Gagantihan ko sila sa pagsusunog ng insenso sa mga kabundukan at sa pangungutya sa akin sa mga kaburulan. Kaya susukatin ko ang nakalipas nilang mga gawa sa kanilang kandungan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
Numbers 32:14Tingnan mo, humalili kayo sa lugar ng inyong mga ama, tulad ng mas makasalanang mga tao, upang dumagdag sa nag-aalab na galit ni Yahweh sa Israel.
1 Kings 22:44Nakipagkasundo si Jehoshafat sa hari ng Israel.
2 Kings 14:4Pero ang mga dambana ay hindi winasak. Ang mga tao ay patuloy na nag-aalay at nagsusunog ng insenso sa mga dambana.
2 Kings 16:4Naghandog siya ng mga alay at nagsunog ng insenso sa matataas na lugar, sa tuktok ng burol, at sa lilim ng bawat luntiang puno.
Psalms 106:6Nagkasala kami tulad ng aming mga ninuno; nakagawa kami ng mali, at nakagawa kami ng kasamaan.