Isaias 66:15
Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 18:9Binuksan niya ang kalangitan at siya ay bumaba, at makapal na kadiliman ay nasa ilalim na kaniyang paanan.
Psalms 50:3Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
Psalms 97:3Ang apoy ang nasa kanyang unahan at tumutupok sa kanyang mga kaaway sa lahat ng dako.
Isaiah 30:30Ipaparinig ni Yahweh ang karangyaan ng kanyang tinig at ipapakita ang galaw ng kanyang bisig nang may silakbo ng galit at mga liyab ng apoy, kasama ng bagyo na may malakas na hangin, ulan kasama ng unos, at mga yelo.
Jeremiah 4:3Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyo ang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasik sa mga matitinik.
Daniel 11:40Sa mga huling panahon, sasalakay ang hari ng Timog. Mabilis na sasalakay sa kaniya ang hari ng Hilaga na tulad ng isang bagyo na may kasamang mga karwahe at mga mangangabayo at maraming barko. Sasakupin niya ang maraming bansa at tatangayin niya sila tulad ng isang baha.