Isaiah 66:2
Ang kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito; ganoon nilikha ang lahat ng mga ito — ito ang pahayag ni Yahweh. Ang taong sinasang-ayunan ko ay ang mga nagpapakumbaba at nagsisipagsisi, at nanginginig sa aking salita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 1:1Noong simula nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.
2 Kings 22:10Pagkatapos sinabi ni Safan ang eskriba sa hari, “Binigyan ako ni Hilkias ang pari ng isang aklat.” Pagkatapos binasa ito ni Safan sa hari.
2 Kings 22:19dahil ang iyong puso ay malambot, at dahil nagpakumbaba ka sa harap ni Yahweh, nang marinig mo ang kung ano ang aking sinabi laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, na sila ay pababayaan at magiging isang sumpa, at dahil sa pinunit mo ang iyong mga damit at nanangis sa harap ko, nakinig din ako sa iyo' - ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezra 9:4Ang lahat ng mga nanginig sa salita ng Diyos ng Israel tungkol sa kawalang pananampalatayang ito ay lumapit sa akin habang ako ay nakaupong hiyang-hiya hanggang sa gabi ng pag-aalay.
Psalms 34:18Si Yahweh ay malapit sa mga wasak ang puso, at inililigtas niya ang mga nadurog ang espiritu.
Psalms 51:19Kung magkagayon ay malulugod ka sa mga alay ng katuwiran, sa sinunog na mga handog at lubusang sinunog na mga handog; pagkatapos, ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar.