Isaias 66:22
Ito ang pahayag ni Yahweh— kung gaano katagal mananatili sa harapan ko ang bagong langit at ang bagong lupa na aking gagawin, ganoon din katagal mananatili ang inyong kaapu-apuhan, at ang inyong pangalan ay mananatili.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Ang iba sa mga ito ay pipiliin ko bilang mga pari at mga Levita— sinabi ni Yahweh.
Cross References
Isaiah 59:21At para sa akin, ito ang aking tipan sa kanila—sinasabi ni Yahweh—ang aking espiritu na nasa inyo, at ang aking mga salita na inilagay ko sa inyong bibig, ay hindi mawawala sa inyong bibig, o mawawala sa bibig ng inyong mga anak, o mawawala sa bibig ng mga anak ng inyong mga anak—sinabi ni Yahweh—mula sa panahon na ito at magpakailanman.”
Jeremiah 33:20Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kung magagawa ninyong sirain ang aking tipan sa araw at sa gabi nang sa gayon wala nang araw at gabi sa kanilang tamang panahon,
Matthew 28:20Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”
Hebrews 12:26At sa mga oras na iyon ang kaniyang tinig ang yayanig sa lupa. Subalit ngayon nangako siya at sinabi, “Minsan ko pang yayanigin hindi lamang ang lupa ngunit maging ang kalangitan.”
2 Peter 3:13Ngunit ayon sa kaniyang pangako, ating hintayin ang bagong mga langit at ang bagong lupa, kung saan ang mga katuwiran ay mananahan.