Isaiah 7:2
Naibalita sa bahay ni David na nakipagkasundo ang Aram sa Efraim. Kumabog ang dibdib niya pati ng kaniyang bayan, gaya ng mga puno sa gubat na hinahampas ng hangin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:1Umiyak nang malakas ang sambayanan sa gabing iyon.
2 Samuel 7:16Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'
1 Kings 12:16Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
2 Kings 7:6Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.”
2 Chronicles 28:12Pagkatapos, may ilang pinuno ng Efraim ang tumayo laban sa mga bumalik mula sa digmaan, ang mga lalaking sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai.
Psalms 27:1Si Yahweh ang aking liwanag at aking kaligtasan; kanino ako matatakot? Si Yahweh ang kanlungan ng aking buhay; kanino ako mangangamba?