Isaiah 9:6
Dahil para sa atin, isang sanggol ang isinilang, isang anak na lalaki ang binibigay; at ang kapamahalaan ay nasa kaniyang balikat; at ang pangalang itatawag sa kaniya ay Kahanga-hangang Taga-payo, Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 13:18Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!”
2 Samuel 7:16Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'
1 Kings 2:45Pero pagpapalain si Haring Solomon, at matatatag ang trono ni David sa harap ni Yahweh magpakailanman.”
Nehemiah 9:32Kaya ngayon, aming Diyos, ang dakila, ang makapangyarihan, at ang kamangha-manghang Diyos, na siyang tumutupad sa kaniyang tipan at tapat na pagmamahal, huwag mong maliitin ang lahat ng paghihirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, sa aming mga pari, sa aming mga propeta, at sa aming mga ninuno, at sa lahat na iyong mga tao mula sa araw ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.
Psalms 45:3Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
Psalms 45:7Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.