James 5:16
Kaya ihayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa bawat isa at ipanalangin ang bawat isa upang kayo ay mapagaling. Ang panalangin ng matuwid ay magdudulot ng malaking bunga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:23Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, “Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan?
Genesis 20:7Kaya ibalik mo ang asawa ng lalaki, dahil siya ay isang propeta. Ipananalangin ka niya at mabubuhay ka. Pero kung hindi mo siya ibabalik, alam mo na ikaw at ang lahat ng nasa iyo ay tiyak na mamamatay.”
Genesis 32:28Sinabi ng tao, “Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Jacob, sa halip, Israel na. Sapagkat nakipaglaban ka sa Diyos at sa tao at nanaig ka.”
Exodus 9:28Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
Exodus 17:11Nananalo ang mga Israelita, habang itinataas ni Moises ang kaniyang mga kamay, kapag ipinagpapahinga niya ang kaniyang mga kamay, nagsisimulang manalo ang mga Amalek.
Numbers 11:2Pagkatapos tumawag ang mga tao kay Moises, kaya nanalangin si Moises kay Yahweh, at huminto ang apoy.