Jeremias 1:5
“Bago kita binuo sa sinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalaga na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Dumating sa akin ang salita ni Yahweh na nagsasabi,
6“O! Panginoong Yahweh!” Sinabi ko, “Hindi ako marunong magsalita sapagkat napakabata ko pa.”
Cross References
Exodus 33:12Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.'
Psalms 71:5Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa.
Psalms 139:16Nakita mo ako sa loob ng sinapupunan; ang lahat ng araw na nakatalaga para sa akin ay nakatala sa iyong libro kahit bago pa ito ang unang nangyari.
Isaiah 49:1Makinig kayo sa akin, kayong mga baybayin! At magbigay kayo ng pansin, kayong mga malalayong tao. Tinawag ako ni Yahweh sa pangalan mula sa kapanganakan, nang dinala ako ng aking ina sa mundo.
Jeremiah 1:10Hinihirang kita ngayon sa mga bansa at sa mga kaharian upang magbunot at magpabagsak, magsira at magwasak, magtayo at magtatag.
Jeremiah 25:13Pagkatapos dadalhin ko laban sa lupaing iyon ang lahat ng mga salita na aking sinabi, at lahat ng mga bagay na isinulat sa aklat na ito na inihula ni Jeremias laban sa lahat ng mga bansa.