Jeremiah 10:21
Sapagkat naging hangal ang mga pastol. Hindi nila hinanap si Yahweh kaya hindi sila nagtagumpay at nagsikalat ang lahat ng kanilang kawan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 2:8Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.
Jeremiah 8:9Mapapahiya ang mga marurunong na tao. Nabigo sila at nabitag. Tingnan ninyo! Itinakwil nila ang salita ni Yahweh, kaya anong silbi ng kanilang karunungan?
Jeremiah 10:14Naging mangmang ang mga tao na walang kaalaman. Nailagay sa kahihiyan ang bawat panday dahil sa kaniyang diyus-diyosan sapagkat manlilinlang ang mga ginawa niyang imahen at walang buhay ang mga ito.
Jeremiah 23:1“Aba sa inyong mga pastol na sumisira at nagsisingalat sa mga tupa ng aking pastulan—Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Jeremiah 49:32Sapagkat ang kanilang mga kamelyo ay magiging nakaw, at ang kasaganaan ng kanilang ari-arian ay magiging nakaw sa digmaan. Pagkatapos ay ikakalat ko sa bawat hangin ang mga pumutol ng kanilang mga buhok at magdadala ako sa kanila ng kapahamakan mula sa bawat panig—ito ang pahayag ni Yahweh.
Ezekiel 22:25Mayroong sabwatan ang kaniyang mga propeta sa kaniyang kalagitnaan, tulad ng isang umaatungal na leon na nilalapa ang biktima; inuubos nila ang buhay at kinukuha ang mahahalagang yaman! Pinaparami nila ang mga balo sa kaniyang kalagitnaan!