Jeremias 10:3
Sapagkat walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mga kamay ng manlililok ang gumagawa nito sa pamamagitan ng palakol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:26At kanilang kinuha ang toro na nakalaan sa kanila at inihanda ito, at tinawag ang pangalan ni Baal mula umaga hanggang sa katanghaliang tapat, sinasabi, “Baal, pakinggan mo kami. “Pero walang tinig, o sinumang sumagot. Sila ay nagsayaw sa paligid ng altar na kanilang ginawa.
Isaiah 40:19Isang diyus-diyusan! Isang mahusay na manggagawa ay hinubog ito: ang panday-ginto ay pinapatungan ito ng ginto at dinikitan ito ng pilak na kuwintas.
Isaiah 45:20Tipunin ang inyong mga sarili at lumapit! Magsama-sama kayong mga nakasumpong ng kanlungan mula sa mga bansa! Sila ay walang nalalaman, sila na nagdadala ng larawang inukit at nanalangin sa mga diyos na hindi nakapagliligtas.
Jeremiah 10:8Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.
Hosea 8:4Nagtalaga sila ng mga hari, ngunit hindi sa pamamagitan ko, gumawa sila ng mga prinsipe, ngunit hindi ko nalalaman. Sa pamamagitan ng kanilang mga pilak at ginto gumawa sila ng mga diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili, ngunit ito ay nangyari upang sila ay mapapahamak.”
Habakkuk 2:18Ano ang pakinabang mo sa inukit na anyo? Sapagkat ang taong nag-ukit nito, o siyang gumawa ng anyo mula sa nilusaw na metal ay tagapagturo ng kasinungalingan; dahil nagtitiwala siya sa kaniyang sariling gawa nang ginawa niya ang mga piping diyos na ito.