Jeremias 10:7
Sino ang hindi matatakot sa iyo, hari ng mga bansa? Sapagkat ito ang karapat-dapat sa iyo, sapagkat wala kang katulad sa lahat ng matatalinong tao sa mga bansa o sa lahat ng kanilang mga maharlikang kaharian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Wala kang katulad, Yahweh. Dakila ka at dakila ang kapangyarihan ng iyong pangalan.
8Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.
Cross References
Joshua 4:24para malaman ng lahat ng mga tao sa mundo na ang kamay ni Yahweh ay makapangyarihan, at paparangalan ninyo si Yahweh ang inyong Diyos magpakailanman.”
1 Chronicles 16:25Sapagkat si Yahweh ay dakila at marapat na papurihan, at marapat siyang katakutan higit sa lahat ng ibang diyos.
Psalms 22:28Dahil ang kaharian ay kay Yahweh; siya ang namumuno sa mga bansa.
Psalms 72:11Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
Psalms 86:8Walang sinuman ang maihahambing sa iyo sa mga diyos, Panginoon. Walang mga gawa ang makakatulad sa mga ginawa mo.
Psalms 89:6Dahil sino sa kalangitan ang maihahambing kay Yahweh? Sino sa mga anak ng mga diyos ang katulad ni Yahweh?