Jeremias 11:4
Ito ang kasunduan na iniutos ko sa inyong mga ninuno na dapat alalahanin simula ng araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, mula sa pugon ng tunawan ng bakal. Sinabi ko, “Makinig kayo sa aking tinig at gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na ito gaya ng iniutos ko sa inyo, sapagkat kayo ang magiging tao ko at ako ang inyong magiging Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:8Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.”
Exodus 23:21Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
Leviticus 26:3Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
Deuteronomy 4:20Pero kinuha kayo ni Yahweh at dinala kayo palabas sa pugon na bakal, palabas ng Ehipto, para maging mga tao niya sa kaniyang sariling pamana, gaya ninyo sa araw na ito.
Deuteronomy 5:6'Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto, mula sa bahay ng pagkakaalipin.
Deuteronomy 28:1Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.