Jeremias 11:7
Sapagkat nagbigay ako ng taimtim na mga utos sa inyong mga ninuno mula ng araw na inilabas ko sila sa Egipto hanggang sa kasalukuyang panahon, patuloy na nagbabala sa kanila at nagsasabi, “Makinig kayo sa aking tinig.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:21Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
Deuteronomy 5:29O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
Deuteronomy 8:6Susundin ninyo ang mga utos ni Yahweh na inyong Diyos, para kayo ay lumakad sa kaniyang mga pamamaraan at parangalan siya.
Deuteronomy 11:26Masdan, itinakda ko sa inyo ngayon ang isang pagpapala at isang sumpa;
Deuteronomy 28:1Kung makikinig kayo ng mabuti sa boses ni Yahweh na inyong Diyos para sundin ang lahat ng kaniyang mga kautusan na sinasabi ko ngayon sa inyo, Itataas kayo ni Yahweh na inyong Diyos mula sa lahat ng ibang mga bansa sa mundo.
1 Samuel 8:9Ngayon makinig sa kanila; ngunit taimtim na balaan sila at ipaalam sa kanila ang paraan na mamahala sa kanila ang hari.”