Jeremias 13:22
At maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito?' Sapagkat dahil ito sa napakarami mong kasamaan na itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 7:17Kung sasabihin ninyo sa inyong puso, 'Itong mga bansa ay mas marami kaysa sa akin, papaano ko sila maaaring tatalunin?'—
Deuteronomy 18:21Kung sasabihin ninyo sa inyong puso, 'Paano natin makikilala ang isang mensahe na hindi sinabi ni Yahweh?'—
Isaiah 20:4sa ganitong paraan dadalhin ng hari ng Asiria ang mga bihag ng Ehipto, ang mga tapon ng Etiopia, bata at matanda, hubad at nakayapak, at walang panakip sa pigi, sa kahihiyan ng Ehipto.
Isaiah 47:8Kaya ngayon pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kasiyahan at nauupo nang may kasiguraduhan, ikaw na sinasabi sa iyong puso, “Nabubuhay ako, at wala akong katulad; hindi ako mauupo bilang isang balo kailanman, maging ang maranasan ang mawalan ng mga anak.”
Jeremiah 2:19Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.
Jeremiah 9:2Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!