Jeremias 13:27
Ang inyong pangangalunya at paghalinghing, ang inyong kahiya-hiyang kahalayan sa mga burol at sa mga parang! Ilalantad ko ang mga ito, ang mga nakasusuklam na mga bagay na ito! Kaawa-awa ka, Jerusalem! Hindi ka pa malinis. Gaano katagal ito magpapatuloy?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 94:8Unawain ninyo, kayong mangmang; kayong mga hangal, kailan kayo matututo?
Isaiah 57:7Inihanda ninyo ang inyong higaan sa isang mataas ng bundok; umakyat din kayo doon para maghandog ng mga alay.
Jeremiah 2:20Sapagkat sinira ko ang iyong pamatok na mayroon ka noong mga sinaunang araw, sinira ko ang iyong mga tanikala. Ngunit sinabi mo pa rin, 'Hindi ako maglilingkod!' sapagkat yumuko ka sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat madahong puno, ikaw na mangangalunya.
Jeremiah 3:6Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
Jeremiah 4:14Linisin mo ang iyong puso mula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaring maligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim ang tungkol sa kung paano magkasala?
Jeremiah 5:8Mga kabayo silang nag-iinit. Naglilibot sila sa kagustuhang makipagtalik. Bawat lalaki ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kapwa.