Jeremias 14:3
Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 15:30Pero umakyat si David nang nakapaa at umiiyak paakyat sa Bundok ng mga Olibo, at tinakpan niya ang kaniyang ulo. Tinakpan ng bawat isang mga taong kasama niya ang kanilang ulo at umakyat silang umiiyak habang naglalakad.
1 Kings 17:7Pero hindi katagalan natuyo ang batis dahil hindi umuulan sa lupain.
1 Kings 18:6Kaya hinati nila ang lupaing kanilang lalakaran at humanap ng tubig. Si Ahab ay naglakad mag isa, at si Obadias ay umiba ng daan.
Esther 6:12Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
Psalms 40:14Hayaan mo silang mapahiya at ganap na mabigo, silang mga naghahangad na kunin ang aking buhay. hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang mga nagagalak na saktan ako.
Isaiah 45:16Mapapahiya at kahiya-hiya silang lahat; silang mga gumagawa ng diyus-diyosan ay lalakad sa kahihiyan.