Jeremias 14:7
Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:9Dahil ang mga Cananaeo at lahat ng mga naninirahan sa lupain ay narinig ito. Nakapalibot sila sa amin at ginawang makalimutan ng bayan sa mundo ang aming pangalan. At kaya anong gagawin mo para sa iyong dakilang pangalan?”
Ezra 9:15Yahweh, Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagkat nanatili kaming ilan na makaligtas sa araw na ito. Tingnan mo! Kami ay nasa iyong harapan sa aming mga kasalanan, sapagkat walang sinuman ang makakatayo sa iyong harapan dahil dito.”
Psalms 25:11Alang-alang sa iyong pangalan, Yahweh, patawarin mo ang aking kasalanan, dahil ito ay napakalaki.
Psalms 115:1Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.
Jeremiah 2:19Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.
Jeremiah 5:6Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.