Jeremias 15:17
Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 1:1Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Psalms 102:7Ako'y umaabang, at ako'y naging parang maya na nagiisa sa bubungan.
Jeremiah 6:11Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.
Jeremiah 16:8At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom.
Lamentations 3:28Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya.
Daniel 7:28Narito ang wakas ng bagay. Tungkol sa aking si Daniel, ay binabagabag akong mabuti ng aking mga pagiisip, at ang aking pagmumukha ay nabago: nguni't iningatan ko ang bagay sa aking puso.