Jeremias 15:2
At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 24:18Siyang tumakas mula sa tunog ng takot ang mahuhulog sa hukay, at siyang umahon sa kalagitnaan ng hukay ay mahuhuhli sa silo. Magbubukas ang bintana ng kalangitan, at ang pundasyon ng mundo ay mayayanig.
Jeremiah 16:4Sila ay mamamatay sa sakit. Walang magluluksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad sila ng dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilang wakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.'
Jeremiah 43:11Sapagkat darating siya at lulusubin ang lupain ng Egipto. Sinuman ang itinalagang mamatay ay ibibigay sa kamatayan. Sinuman ang itinalagang mabihag ay bibihagin. At ang sinumang itinalaga sa espada ay maibibigay sa espada.
Ezekiel 5:12Mamamatay sa salot ang ikatlong bahagi ninyo, at mauubos sila ng kagutuman sa inyong kalagitnaan. Ang ikatlong bahagi sa inyo ay mamamatay sa pamamagitan ng espada sa paligid ninyo. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa inyo sa bawat dako, at huhugot ng espada upang habulin din sila.
Daniel 9:12Pinatunayan ni Yahweh ang mga salitang kaniyang sinabi laban sa amin at laban sa mga namumuno sa amin, sa pamamagitan ng pagdadala sa amin ng malaking kapahamakan. Sapagkat sa ilalim ng kabuuan ng langit wala pang nangyaring anumang bagay na maaaring ihambing sa kung ano ang nangyari sa Jerusalem.
Zechariah 11:9At sinabi ko sa mga may-ari, “Hindi na ako makapagtatagal na magtatrabaho sa inyo bilang isang pastol. Ang mga tupang namamatay hayaan silang mamatay; ang mga tupang napapahamak hayaan silang mapahamak. Hayaan ang mga naiwang tupa na kakainin ang laman ng kanilang kapwa.”