Jeremias 15:8
Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 3:25Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma.
Jeremiah 5:6Kaya't papatayin sila ng leon na mula sa gubat, sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.
Jeremiah 6:26Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.