Jeremias 16:19
Oh Panginoon, aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na hindi mapapakinabangan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
20Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios na hindi mga dios?
Cross References
Psalms 18:1Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan.
Psalms 19:14Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.
Psalms 27:5Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong: sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako; Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
Psalms 46:7Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
Psalms 62:2Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan: siya ang aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Psalms 65:3Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo.