Jeremias 16:5
Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahay kung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa may nananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taong ito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na may katapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mga taong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 15:5Sa mga panahong iyon, walang kapayapaan sa taong naglalakbay palayo, ni sa taong naglalakbay papunta roon. Sa halip, malaki ang kapahamakang ang nasa lahat ng naninirahan sa mga lupain.
Jeremiah 13:14At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
Jeremiah 16:6kaya ang dakila at ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindi ililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila. Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila.
Lamentations 3:17Sa aking buhay ay tinanggal mo ang kapayapaan, hindi ko na maalala pa ang alinmang kaligayahan.
Ezekiel 24:17Dapat kang maghinagpis nang tahimik. Huwag magsagawa ng pagluluksa para sa patay. Itali ang iyong turbante at isuot mo ang sandalyas sa iyong paa, ngunit huwag mong takpan ng belo ang iyong balbas o kainin ang tinapay ng mga kalalakihang nagdadalamhati sapagkat namatay ang kanilang mga asawa.”
Revelation 6:4Pagkatapos lumabas ang isa pang kabayo—maningas na pula. Sa sakay nito ay ibinigay ang pahintulot na alisin ang kapayapaan mula sa lupa, kaya itong ang mga tao ay magnais na patayin ang isa't isa. Binigyan ang sakay ng isang malaking espada.