Jeremias 16:7
Wala isa mang magbabahagi ng pagkain sa pagluluksa upang aliwin sila dahil sa kamatayan, at walang dapat magbigay ng pang-aliw na baso sa kaniyang ama o ina para aliwin sila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Hindi ka dapat pumunta sa handaan sa isang tahanan upang makiupo sa kanila na kumain at uminom.'
Cross References
Job 42:11Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
Ezekiel 24:17Dapat kang maghinagpis nang tahimik. Huwag magsagawa ng pagluluksa para sa patay. Itali ang iyong turbante at isuot mo ang sandalyas sa iyong paa, ngunit huwag mong takpan ng belo ang iyong balbas o kainin ang tinapay ng mga kalalakihang nagdadalamhati sapagkat namatay ang kanilang mga asawa.”