The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 17 › Jeremias 17:22

Jeremias 17:22

At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Neither carry forth a burden out of your houses on the sabbath day, neither do ye any work, but hallow ye the sabbath day, as I commanded your fathers.

In Context

21Ito ang sinasabi ni Yahweh: “Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.

23Hindi sila nakinig o nagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mga leeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapin ang aking pagtutuwid.

Read all of Jeremias 17

Cross References

Exodus 16:23Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'”

Exodus 23:12Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla.

Leviticus 19:3Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.

Deuteronomy 5:12Sundin ang Araw ng Pamamahinga para mapanatili itong banal, bilang utos ni Yahweh sa inyo.

Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.

Ezekiel 20:20Panatilihin ninyong banal ang aking mga Araw ng Pamamahinga upang ang mga ito ay maging palatandaan sa akin at sa inyo, upang malaman ninyo na ako si Yahweh na inyong Diyos.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Jeremias 17:22

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 17:21Jeremias 17Jeremias 17:23 →