The Bible Software
bible.software › Jeremias › Jeremias 17 › Jeremias 17:26

Jeremias 17:26

At sila'y manganggagaling sa mga bayan ng Juda, at sa mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa mababang lupain, at sa mga bundok, at sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.

Philippine Bible Society (1905)

In The King James Version

And they shall come from the cities of Judah, and from the places about Jerusalem, and from the land of Benjamin, and from the plain, and from the mountains, and from the south, bringing burnt offerings, and sacrifices, and meat offerings, and incense, and bringing sacrifices of praise, unto the house of the LORD.

In Context

25Kung magkagayo'y magsisipasok sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.

27Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.

Read all of Jeremias 17

Cross References

Joshua 15:21At ang mga kaduluduluhang bayan ng lipi ng mga anak ni Juda sa dako ng hangganan ng Edom sa timugan ay Cabseel, at Eder, at Jagur,

Ezra 3:11At sila'y nagawitang isa't isa sa pagpuri at pagpapasalamat sa Panginoon, na nangagsasabi: Sapagka't siya'y mabuti, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man sa Israel. At ang buong bayan ay humiyaw ng malakas, nang sila'y magsipuri sa Panginoon, sapagka't ang tatagang-baon ng bahay ng Panginoon ay nalagay.

Psalms 116:17Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.

Jeremiah 32:44Bibilhin nga ng mga tao ng salapi ang mga parang at mangaglalagda ng pangalan sa mga katibayan, at mga tatatakan, at magsisitawag ng mga saksi, sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, at sa mga bayan ng lupaing maburol, at sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan: sapagka't aking ibabalik sila mula sa kanilang pagkabihag, sabi ng Panginoon.

Jeremiah 33:13Sa mga bayan ng maburol na lupain, sa mga bayan ng mababang lupain, at sa mga bayan ng Timugan, at sa lupain ng Benjamin, at sa mga dako na palibot ng Jerusalem, at sa mga bayan ng Juda, magdaraan uli ang mga kawan sa mga kamay ng bibilang sa kanila, sabi ng Panginoon.

Hebrews 13:15Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Portuguesa MundialLuther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)新标点和合本성경 (한국어)الكتاب المقدس باللغة العربية، فان دايكBibbia Diodati (Italiano)Kinh Thánh (Tiếng Việt)Biblia Cornilescu (Română)Polish Biblia Gdanska (1881)Statenvertaling (Nederlands)

Study Jeremias 17:26

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Jeremias 17:25Jeremias 17Jeremias 17:27 →