Jeremias 17:4
Mawawala sa inyo ang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayo ng inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saan mag-aapoy magpakailanman.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 26:31Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
Deuteronomy 28:25Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
Deuteronomy 29:26at dahil sila ay pumunta at sumamba sa ibang diyus-diyosan at yumukod sa kanilang, diyus-diyosan na hindi nila kilala at ang mga hindi niya binigay sa kanila.
Joshua 23:15Pero gaya ng bawat salitang ipinangako ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo ay natupad, kaya magdadala si Yahweh sa inyo ng lahat ng mga masasamang bagay hanggang sa mawasak niya kayo mula sa mabuting lupain na ito na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo.
2 Kings 25:21Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan, naitinapon ang Juda mula sa lupain nito.
Isaiah 5:25Kaya nga, ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, at inabot niya sila ng kaniyang kamay at pinarusahan; nanginig ang mga bundok, at ang kanilang mga bangkay ay naging tulad ng basura sa mga lansangan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi napawi ang kaniyang galit, kaya ang kaniyang kamay ay nakataas pa rin para handang humampas muli.