Jeremias 19:4
Gagawin ko ito dahil tinalikuran nila ako at hindi iginalang ang lugar na ito. Sa lugar na ito, nag-aalay sila sa ibang mga diyos na hindi nila kilala. Pinuno rin ng kanilang mga ninuno at mga hari ng Juda ang lugar na ito ng walang-salang dugo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 13:6Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno—
Deuteronomy 28:20Magpapadala si Yahweh sa inyo ng mga sumpa, pagkalito, at mga pagtutuwid sa lahat ng bagay na gagamitan ninyo ng inyong kamay, hanggang sa kayo ay mawasak, at hanggang sa kayo ay mabilis na mapuksa dahil sa inyong mga masasamang mga gawain kung saan itinakwil ninyo ako.
Deuteronomy 28:64Ikakalat kayo ni Yahweh sa gitna ng lahat ng mga tao mula sa isang dulo ng mundo hanggang sa ibang dulo ng mundo; doon sasamba kayo sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo nakilala, ni ng inyong mga ninuno, mga diyus-diyosan na kahoy at bato.
Deuteronomy 32:15Pero lumaki si Jeshurun na mataba at sumisipa, puno ng taba, matipuno, at makinis. Tinalikuran nila ang Diyos na gumawa sa kanila, at itinanggi nila ang Bato ng kaniyang kaligtasan.
Judges 5:8Pinili nila ang bagong mga diyus-diyosan, at nagkaroon ng labanan sa mga tarangkahan ng lungsod; ni walang mga kalasag o sibat ang makikita sa apatnapung libo sa Israel.
2 Kings 21:16Higit pa roon, nagpadanak si Manasses ng labis na inosenteng dugo, pinuno niya ng kamatayan ang magkabilang dulo ng Jerusalem. Karagdagan pa ito sa kasalanan na pinilit niyang gawin ng Juda, sa paggawa ng masama sa paningin ni Yahweh.