Jeremias 19:5
Nagtayo sila ng mga dambana para kay Baal upang sunugin ang kanilang mga anak na lalaki sa apoy bilang mga handog na susunugin para sa kaniya—isang bagay na hindi ko iniutos. Hindi ko sinabi sa kanilang gawin ito ni sumagi man lang sa aking puso.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:21Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
Deuteronomy 12:31Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
2 Kings 21:6Hinandog niya ang kaniyang anak bilang sinunog na handog sa apoy, nagsagawa siya ng panghuhula at salamangka, at kumonsulta sa mga nakipagusap sa mga patay at sa mga nakipagusap sa mga espiritu. Gumawa siya ng labis na kasamaan sa paningin ni Yahweh, at pinukaw niya ang Diyos na magalit.
Psalms 106:37Inalay nila ang kanilang mga anak na lalaki at babae sa mga demonyo.
Jeremiah 32:35Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
Ezekiel 20:26Ginawa ko silang marumi sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob, nang ipinadaan nila sa apoy ang bawat panganay mula sa sinapupunan. Ginawa ko ito upang sindakin sila upang malaman nila na ako si Yahweh!'