bible.software › Jeremias › Jeremias 19 › Jeremias 19:6
Jeremias 19:6
Kaya, tingnan ninyo, darating ang mga araw na hindi na tatawaging Tofet ang lugar na ito, ang lambak ng Ben Hinom, sapagkat ito ay magiging lambak ng Patayan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Therefore, behold, the days come, saith the LORD, that this place shall no more be called Tophet, nor The valley of the son of Hinnom, but The valley of slaughter.
In Context
5Nagtayo sila ng mga dambana para kay Baal upang sunugin ang kanilang mga anak na lalaki sa apoy bilang mga handog na susunugin para sa kaniya—isang bagay na hindi ko iniutos. Hindi ko sinabi sa kanilang gawin ito ni sumagi man lang sa aking puso.
7Sa lugar na ito, gagawin kong walang saysay ang mga balak ng Juda at Jerusalem. Bubuwalin ko sila sa pamamagitan ng espada sa harapan ng kanilang mga kaaway at sa pamamagitan ng kamay ng mga naghahangad ng kanilang mga buhay. At ibibigay ko ang kanilang mga bangkay bilang pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.
Read all of Jeremias 19
Cross References
Isaiah 30:33Dahil may isang lugar ng pagsusunugan ang matagal nang inihanda. Tunay nga, ito ay inihanda para sa hari, at ginawa ito ng Diyos na malalim at malawak. Handa na ang salansanan na may apoy at maraming kahoy. Sisindihan ito ng hininga ni Yahweh, na tulad ng isang batis ng asupre.
Jeremiah 19:2At pumunta ka sa lambak ng Ben Hinom kung saan nakabukas ang tarangkahan ng Magpapalayok, at ipahayag mo roon ang mga salitang sasabihin ko sa iyo.
This Verse In Other Editions
Study Jeremias 19:6