Jeremias 2:11
May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Manginig kayo, mga kalangitan dahil dito! Masindak kayo at mangilabot. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Cross References
Deuteronomy 32:21Pinagselos nila ako sa pamamagitan diyos na hindi totoo at ginalit ako ng kanilang mga walang halagang diyus-diyosan. Papainggitin ko sila sa pamamagitan ng hindi ko bayan, gagalitin ko sila sa pamamagitan ng isang bansa na walang pang-unawa.
1 Kings 11:33dahil iniwanan nila ako at sinamba nila si Astarte, ang babaeng diyus-diyosan ng mga Sidonita, kay Cemos ang diyos ng mga Moabita, at kay Milcom ang diyos ng mga mamamayan ng mga Ammonita. Hindi sila lumakad ayon sa aking kaparaanan, para gawin ang mabuti sa aking paningin, at para sundin ang aking mga utos at mga tuntunin gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si David.
Psalms 3:3Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo.
Psalms 115:4Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.
Jeremiah 2:5Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ano ang pagkakamaling nakita sa akin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunod sa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan?
Jeremiah 5:7Bakit ko patatawarin ang mga taong ito? Tinalikuran ako ng iyong mga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog ko sila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan.