Jeremiah 2:21
Ngunit ako mismo ang nagtanim sa iyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunay na binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isang hindi tapat mula sa ibang puno ng ubas!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 26:3Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama.
Exodus 15:17Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
Deuteronomy 32:32Dahil ang kanilang mga puno ng ubas ay nagmula sa puno ng ubas ng Sodoma, at mula sa mga bukid ng Gomorra; ang kanilang mga ubas ay mga ubas ng lason; ang kanilang mga kumpol ay mapait.
Psalms 44:2Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
Psalms 80:9Nilinis mo ang lupain para dito; nag-ugat ito at pinuno ang lupain.
Isaiah 1:21Naging babaeng bayaran ang tapat na lungsod! Siya na dating puno ng katarungan ay puno ng katuwiran, pero ngayon puno siya ng mamamatay-tao.