Jeremias 2:26
Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezra 9:7Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
Psalms 97:7Ang lahat ng sumasamba sa mga inukit na bagay ay mapapahiya, ang mga nagyayabang sa mga walang katuturang mga diyos-diyosan— yumukod kayo sa kanya, kayong lahat na mga diyos!
Isaiah 1:29Dahil ikahihiya ninyo ang banal na mga punong owk na ninais ninyo, at ipapahiya kayo ng mga hardin na pinili ninyo.
Isaiah 44:11Masdan mo, ang lahat ng kaniyang mga kasama ay ilalagay sa kahihiyan; ang mga mang-uukit ay tao lamang. Hayaan mo silang magsama-sama sa kanilang paninindigan; sila ay yuyukod at malalagay sa kahihiyan.
Jeremiah 3:24Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
Jeremiah 22:22Ang hangin ang siyang aakay palayo sa lahat ng iyong mga pastol, at ang mga kaibigan mo ay mapupunta sa pagkabihag. Pagkatapos ay tiyak na mapapahiya at hahamakin ka dahil sa mga masasama ninyong gawa.