Jeremias 2:7
Ngunit dinala ko kayo sa lupain ng Carmel upang kainin ang mga bunga nito at iba pang mga magagandang bagay! Ngunit nang dumating kayo, dinungisan ninyo ang aking lupain, ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking mana!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 18:25Naging marungis ang lupain, kaya pinarusahan ko ang kanilang kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga naninirahan dito.
Numbers 14:7Nagsalita sila sa buong sambayanan ng mga tao ng Israel. Sinabi nila, “Isang napakabuting lupain ang aming dinaanan at siniyasat.
Deuteronomy 6:10Kapag dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos doon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ama, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, ibibigay niya sa inyo, ang malawak at ang mga napakagandang lungsod na hindi ninyo itinayo,
Deuteronomy 8:7Dahil dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa mabuting lupain, isang lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at mga talon, na umaagos sa mga lambak at sa mga burol;
Deuteronomy 11:10Para ang lupain, kung saan kayo papasok para inyong angkinin, ay hindi tulad ng lupain ng Ehipto, kung saan kayo nanggaling, kung saan nagtanim kayo ng buto at diniligan iyon gamit ang inyong paa, tulad ng hardin ng mga damong-gamot;
Deuteronomy 32:9Dahil ang bahagi ni Yahweh ay ang kaniyang mga tao; si Jacob ang kaniyang bahaging mana.