Jeremias 20:10
Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa lahat ng dako. Kayo'y mangagsumbong, at aming isusumbong siya, sabi ng lahat ng mga kasamasama kong kaibigan, na nagsisipaghintay ng aking pagkabagsak; marahil siya'y mahihikayat, at tayo'y mangananaig laban sa kaniya, at tayo'y mangakagaganti sa kaniya.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 19:2Nang magkagayo'y nagsugo si Jezabel ng sugo kay Elias, na nagsasabi, Ganito ang gawin sa akin ng mga dios, at lalo na, kung hindi ko gawin ang buhay mo na gaya ng buhay ng isa sa kanila kinabukasan sa may ganitong panahon.
1 Kings 22:8At sinabi ng hari sa Israel kay Josaphat, May isa pang lalake na mapaguusisaan natin sa Panginoon, si Micheas na anak ni Imla: nguni't kinapopootan ko siya; sapagka't hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan. At sinabi ni Josaphat: Huwag sabihing gayon ng hari.
Nehemiah 6:6Na kinasusulatan: Naibalita sa mga bansa, at sinasabi ni Gasmu na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik; na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta: at ikaw ay magiging kanilang hari ayon sa mga salitang ito.
Psalms 31:13Sapagka't aking narinig ang paninirang puri ng marami, kakilabutan sa bawa't dako. Samantalang sila'y nagsasangguniang magkakasama laban sa akin, kanilang pinagsisikapang alisin ang aking buhay.
Psalms 41:9Oo, ang aking kasamasamang kaibigan, na aking tiniwalaan, na kumain ng aking tinapay, nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.
Psalms 55:13Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.