Jeremias 20:3
Nangyari sa sumunod na araw, pinalaya ni Pashur si Jeremias mula sa mga pangawan. At sinabi ni Jeremias sa kaniya, “Hindi ka pinangalanan ni Yahweh na Pashur, ngunit ikaw ay si Magot Missabib.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:15Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan.
Psalms 31:13Dahil aking narinig ang bulong-bulungan ng nakararami, nakakasindak na balita mula sa lahat ng dako habang ang mga iba ay parang nagpaplano na magkakasama laban sa akin. Sila ay nagpaplanong kunin ang aking buhay.
Jeremiah 6:25Huwag kayong pupunta sa mga bukirin at huwag kayong maglakad sa mga lansangan sapagkat ang espada ng kaaway at ang matinding takot ay nasa paligid.
Jeremiah 19:2At pumunta ka sa lambak ng Ben Hinom kung saan nakabukas ang tarangkahan ng Magpapalayok, at ipahayag mo roon ang mga salitang sasabihin ko sa iyo.
Jeremiah 20:10Nakarinig ako ng usap-usapan ng katatakutan mula sa maraming tao sa paligid. 'Iulat! Dapat natin itong iulat!' Ang mga malapit sa akin ay nanonood upang makita kung babagsak ako. 'Marahil maaari siyang madaya. Kung gayon, maaari natin siyang mahigitan at makapaghiganti sa kaniya.'
Jeremiah 46:5Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—