Jeremias 20:4
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan mo, gagawin kitang isang bagay na kakikilabutan—ikaw at lahat ng iyong minamahal—sapagkat mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway at makikita ito ng iyong mga mata. Ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Gagawin niya silang mga bihag sa Babilonia o lulusubin sila gamit ang espada.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:32Ibibigay sa ibang tao ang inyong mga anak na lalaki at inyong mga anak na babae; buong araw silang hahanapin ng inyong mga mata, pero mabibigo sa pag-aasam sa kanila. Walang magiging kalakasan ang inyong kamay.
1 Samuel 2:33Sinuman sa inyo na hindi ko puputulin mula sa aking altar, idudulot kong lumabo ang inyong mga mata, at magdudulot ako ng kapighatian para sa inyong buhay. Mamamatay ang lahat ng kalalakihang ipapanganak sa inyong pamilya.
Job 18:11Mga kakila-kilabot ang tatakot sa bawat tabi; siya ay kanilang hahabulin sa kaniyang mga sakong.
Psalms 73:19Paano sila naging disyerto sa isang iglap! Sumapit sila sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
Jeremiah 19:15“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, 'Makinig kayo, magdadala ako sa lungsod na ito at sa lahat ng bayan nito ng sakuna na aking ipinahayag laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa aking mga salita.'”
Jeremiah 21:6Sapagkat lulusubin ko ang mga naninirahan sa lungsod na ito, maging tao at hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.