Jeremias 20:5
Bukod dito ay ibibigay ko ang lahat na kayamanan ng bayang ito, at ang lahat na pakinabang nito, at ang lahat na mahalagang bagay nito, oo, ang lahat na kayamanan ng mga hari sa Juda ay ibibigay ko sa kamay ng kanilang mga kaaway; na magsisisamsam sa kanila, at magsisihuli sa kanila, at mangagdadala sa kanila sa Babilonia.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 20:17Narito, ang mga kaarawan ay dumarating, na ang lahat na nangasa iyong bahay, at ang itinago ng iyong mga magulang hanggang sa araw na ito, ay dadalhin sa Babilonia: walang maiiwan, sabi ng Panginoon.
2 Kings 24:13At dinala niya mula roon ang lahat na kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari, at pinagputolputol ang lahat na kasangkapang ginto na ginawa ng haring Salomon sa templo ng Panginoon, gaya ng sinabi ng Panginoon.
2 Chronicles 36:10At sa pagpihit ng taon, si Nabucodonosor ay nagsugo, at dinala siya sa Babilonia, pati ng mga mainam na sisidlan ng bahay ng Panginoon at ginawang hari si Zedecias na kaniyang kapatid sa Juda at Jerusalem.
Jeremiah 3:24Nguni't nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalake at babae.
Jeremiah 12:12Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.
Jeremiah 17:3Oh aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.