Jeremiah 21:14
Nagtakda ako ng bunga ng inyong mga gawain na maging laban sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—at magsisindi ako ng apoy sa mga kasukalan, at lalamunin ang lahat ng nakapalibot dito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 36:19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
Proverbs 12:14Mula sa bunga ng kaniyang mga salita, ang tao ay napupuno ng mabuting mga bagay, tulad ng paggagantimpala ng mga kamayy niyang nagtatrabaho.
Isaiah 10:12Kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem, siya ay magsasabi ng “paparusahan ko ang mga kayabangan na sinabi ng hari ng Asiria at kaniyang mapagmataas na hitsura.
Isaiah 24:21Darating ang araw na paparusahan ni Yahweh ang hukbo na dakila sa kataas-taasan, at mga hari ng mundo sa lupa.
Isaiah 37:24Sa iyong mga lingkod nilapastangan mo ang Panginoon at nagsabing, 'Sa dami ng aking mga karwaheng pandigma umangat ako ng kasingtaas ng mga bundok, sa pinakamataas na sukat mula sa lupa ng Lebanon. Puputulin ko ang kanyang mataas na mga punong cedar at piling puno ng pir doon, at papasukin ko ang dulo ng kanilang matataas ng mga lugar, sa kanilang mayamang gubat.
Jeremiah 6:29Ang pang-ihip ay pinainit sa pamamagitan ng apoy na sumusunog sa kanila. Natunaw sa apoy ang tingga. Patuloy ang pagdalisay sa kanila, ngunit wala itong saysay dahil hindi natanggal ang kasamaan.