Jeremias 22:10
Huwag iyakan ang namatay. Huwag siyang ipagluksa. Ngunit tiyak na tatangisan ninyo ang sinuman na bibihagin, dahil hindi na siya kailanman makakabalik upang makitang muli ang lupain kung saan siya ipinanganak.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 23:29Sa panahon na siya ang hari ng Ehipto, nilabanan ni Faraon Neco ang hari ng Asiria sa Ilog Eufrates. Pumunta si Haring Josias para harapin si Neco sa labanan, at pinatay siya ni Neco sa Megido.
2 Chronicles 35:23Napana ng mga mamamana si Haring Josias, at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod, “Ilayo ninyo ako, dahil malubha akong nasugatan.”
Isaiah 57:1Ang mga matutuwid ay pupuksain, pero hindi isinasaalang-alang ito ng sinuman, at ang mga tao ng katapatan sa tipan ay titipuning palayo, pero walang nakaka-unawa na ang mga matuwid ay ilalayo mula sa kasamaan.
Jeremiah 22:18Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng “Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!'
Jeremiah 42:18Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'”
Ezekiel 19:3At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak upang maging batang leon na natutong lumapa ng kaniyang mga biktima. Nilamon niya ang mga tao.