Jeremias 22:6
Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa palasyo ng hari ng Juda, 'Para sa akin, ikaw ay gaya ng Gilead, o gaya ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang isang ilang, mga lungsod na walang mga naninirahan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:25Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto.
Psalms 107:34at tigang na lupa ang matabang lupa dahil sa kasamaan ng mga tao rito.
Isaiah 6:11Pagkatapos sinabi ko, “Panginoon, hanggang kailan?” Sumagot siya, “Hanggang sa mawasak ang mga lungsod at mawalan ng naninirahan dito, at mawalan ng tao ang mga bahay, at nakatiwangwang ang lupain,
Isaiah 27:10Dahil winasak ang matibay na lungsod, ang tahanan ay iniwanan at pinabayaan tulad ng ilang. Doon isang guya ang nanginginain, at doon siya nagpahinga at kinain ang mga sanga nito.
Jeremiah 4:7Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.
Jeremiah 7:34Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain.”