Jeremias 22:8
Pagkatapos maraming bansa ang dadaan sa lungsod na ito. Bawat taong daraan ay sasabihin sa kaniyang kasunod, “Bakit kaya nagawa ni Yahweh ang ganito sa dakilang lungsod na ito?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 29:23at kapag nakita nila ang buong lupain na naging asupre at nasusunog na asin, kung saan walang ipinunla ni namumunga, kung saan walang mga halaman ang tumutubo, katulad ng pagkabagsak ng Sodom at Gomorra, Adma at Zeboiim, na winasak ni Yahweh sa kaniyang galit at matinding poot—
1 Kings 9:8At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “ Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
2 Chronicles 7:20sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
Jeremiah 40:3Kaya dinala ito ni Yahweh. Ginawa niya ang kaniyang iniutos, sapagkat kayong mga tao ay nagkasala laban sa kaniya at hindi sumunod sa kaniyang tinig. Kaya nangyari ang bagay na ito sa inyong mga tao.
Lamentations 4:12Maging ang mga hari sa lupa o sinumang naninirahan sa mundo ay hindi maniniwalang makakapasok sa mga tarangkahan ng Jerusalem ang kalaban at kaaway.