Jeremiah 23:13
Sapagkat nakita ko ang mga kasalanan ng mga propeta sa Samaria. Nagpahayag sila sa pamamagitan ni Baal at iniligaw ang aking Israelita sa maling landas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 18:19Kaya ngayon, magpasabi ka at tipunin sa akin ang buong Isarel sa Bundok Carmelo, kasama ang 450 propeta ni Baal at apat na raang propeta ni Asera, na kumakain sa lamesa ni Jezebel.”
1 Kings 18:25Kaya sinabi ni Elias sa mga propeta ni Baal, “Pumili kayo ng isang toro para sa inyo at mauna na itong ihanda, dahil kayo ay marami. Pagkatapos tumawag kayo sa inyong diyos, pero huwag ninyong lagyan ng apoy ang ilalim ng toro.”
2 Chronicles 33:9Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
Jeremiah 2:8Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.
Hosea 4:11Ang mahalay na gawain, ang alak at bagong alak ang nag-alis sa kanilang pang-unawa.
Hosea 9:7Parating na ang mga araw ng pagpaparusa, parating na ang araw ng paghihiganti. Hayaang malaman ng buong Israel ang mga bagay ito. Ang isang propeta ay hangal, nasiraan ng ulo ang lalaking kinasiyahan, dahil sa labis ng inyong kasamaan at labis na poot.