Jeremias 23:3
Ako mismo ang magtitipon sa mga nalabi sa aking mga kawan mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila dinala, at ibabalik ko sila sa isang masaganang lugar, kung saan sila ay magiging mabunga at dadami.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 30:3kung gayon babaligtarin ni Yahweh na inyong Diyos ang inyong pagkakabihag at magkakaroon ng habag sa inyo, babalik siya at titipunin kayo mula sa lahat ng mga tao kung saan si Yahweh ang inyong Diyos ay ikinalat kayo.
Isaiah 11:11Sa araw na iyon, muling iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay para mabawi ang nalabi sa kaniyang mga tao sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, Elam, Sinar, Hamat, at mga isla sa karagatan.
Isaiah 43:5Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
Jeremiah 29:14At matatagpuan ninyo ako at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mga lugar kung saan ko kayo ikinalat, sapagkat ibabalik ko kayo mula sa lugar kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan.' Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 31:8Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
Jeremiah 50:19Ibabalik ko ang Israel sa kaniyang sariling bayan; manginginain siya sa Carmel at sa Basan. At masisiyahan siya sa burol ng bansang Efraim at Gilead.